Tuesday, September 22, 2015

Lutong Bahay :) Ginataang Alimango



Minsan lang kami makakain ng alimango sa bahay. Medyo may kamahalan kasi ito dito sa Manila. Imagine P400 per kilo at hindi ka pa maka-sigurado kung mataba talaga at ilang piraso lang ito.
Pero sa kadahilanang gusto ko talagang matikman ulit ang lasa ng ginataang alimango kahit mahal ay sinadya ko siyang bilhin. nakabili ako ng dalawang piraso sa halagang P340. mahal pero sulit naman ang laman at ito ay mataba.
Isang ginataang alimango ang aking naisip na lutuin. Mainam na biyakin ang alimango bago lutuin para lumasa ang taba nito sa gata. Sa pamamagitan nito mas nagiging masarap ang sauce nito.



GINATAANG ALIMANGO

Mga Sangkap:
2 pcs. large Alimango (linising mabuti at hiwain sa gitna)
Kakang gata mula sa dalawang niyog
3 pcs. Siling pang-sigang (yung isang piraso alisin ang buto at i-slice)
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion sliced
1 thumb size Ginger sliced
2 tbsp. Canola oil
salt and peper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang, sibuyas at ang hiniwang siling pangsigang sa mantika.
2. Ilagay na agad ang gata ng niyog at hayaang kumulo ng mga 2 minuto.
3. Ilagay na ang alimango at timplahan ng asin at paminta. Ilagay na din ang natitira pang siling pang sigang at 1 tasang tubig. Hayaang maluto hanggang sa kumonte na lang ang sauce.
4. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

-Jelyn Gila

No comments:

Post a Comment